Paslit nakuryente, patay
Manila, Philippines - Isang limang taong gulang na batang lalaki ang nasawi matapos itong makuryente habang naglalaro sa isang abandonadong junkshop sa Malabon City kamakalawa ng hapon.
Dead-on-arrival sa Pagamutan Lungsod ng Malabon ang biktimang si Shawn Reynald Amor, ng Dumpsite, Sitio 6, Bgy. Catmon ng nabanggit na lungsod.
Sa ulat ng Malabon City Police, alas-5:30 ng hapon, naglalaro sa ulan ang biktima kasama ang apat na kalaro sa isang abandonadong junkshop malapit sa kanilang bahay hanggang sa madikit ito sa isang bakal na may kuryente.
Inaalam na ng mga pulis kung may pananagutan ang dating may-ari ng junkshop sa pagkamatay ng biktima.
- Latest
- Trending