^

Metro

134 pulis nadismis sa serbisyo

- Joy Cantos -

Manila, Philippines - Nadismis mula sa serbisyo ang 134 tiwaling mga pulis, 50 ang na-demote habang 403 naman ang nasuspinde kaugnay ng paglilinis sa mga tinaguriang ‘bad eggs’ sa Philippine National Police (PNP).

Ito ang iniulat ni P/Director Arturo Cacdac Jr., hepe ng PNP Directorate for Investigative Management (DIDM) alinsunod sa ‘zero backlog’ na iniutos ni PNP Chief Di­rector General Raul Bacalzo para madaliin ang pagresolba sa  kasong administratibo laban sa mga pulis.

Sinabi ni Cacdac na ang nasabing bilang ay naitala simula sa unang semestre ng taon.  Sa kabila naman ng pagkakaroon ng PNP ng ilang ‘bad eggs’, sinabi ni Cacdac na karamihan sa 135,000 malakas na puwersa ng kapulisan ay may dedikasyon at tapat sa kanilang mga sinumpaang tungkulin.

Samantala, patuloy din ang mahigpit na proseso ng ‘screening’ sa mga nagnanais mag-pulis upang hindi makalusot ang mga scalawags partikular na ang mga abusado.

 “Ngayon po nag-shift kami, importante rin po ’yung phy­sical fitness... pero mas importante po ang kanilang mental capacity,” ani Cacdac kung saan ay nagsasagawa ang PNP ng background checking sa mga aplikanteng pulis.

Kaugnay nito, hinimok ng opisyal ang publiko na ireport sa PNP  ang mga abusadong pulis upang mabigyan ito ng aksyon ng liderato ng kanilang organisasyon.

vuukle comment

CACDAC

CHIEF DI

DIRECTOR ARTURO CACDAC JR.

GENERAL RAUL BACALZO

INVESTIGATIVE MANAGEMENT

KAUGNAY

NADISMIS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with