^

Metro

Smokey Mountain residents tumanggap ng tulong medical, legal

- Doris Franche-Borja -

Manila, Philippines - Umaabot sa 1000 residente ang  tumanggap  ng  tulong medical habang 100 bata  naman ng Smokey Mountain ang   sumailalim sa operation tuli na isinagawa ng  tanggapan  ni  Senador Juan Miguel Zubiri sa pakikipagtulungan  ng  lokal na pamahalaang Maynila.

 Kasabay nito, pinasalamatan naman ni Manila 1st District Councilor Niño dela Cruz si Zubiri dahil napili nitong lugar ang Smokey Mountain sa Tondo, Maynila kaugnay sa isinagawang medical mission at feeding program at maging ang “Operation Tuli” para sa mga maralita.

 Ayon kay dela Cruz, dama nilang taga Tondo ang pagmamahal ng senador hindi lang sa legislative works, kundi maging sa tulong medical.

 Nabatid na mula pa noong taong 2007 nang ilunsad ni Zubiri ang pagbibigay ng medical assistance tuwing summer sa mga depressed areas katuwang ang mga volunteer doctors at nurses mula sa Metropolitan Hospital at Armed Forces of the Philippines.

 Plano ni Zubiri na gawin nang taun-taon ang medical mission sa Smokey Mountain na nangangailangan aniya ng tulong kasabay ng kanyang apela na ganito rin gawin ng kanyang kapwa mga senador na magaling lamang sa salita at sana ay isama nila sa gawa.

 Samantala, bago matapos ang panahon ng tag-init, balak pa ng senador na magsagawa ng medical mission sa lugar ng Caloocan at Muntinlupa City.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CRUZ

DISTRICT COUNCILOR NI

MAYNILA

METROPOLITAN HOSPITAL

MUNTINLUPA CITY

OPERATION TULI

SMOKEY MOUNTAIN

ZUBIRI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with