Dalagita lumaklak ng silver cleaner

Manila, Philippines - Matapos na hindi nakapag-enroll ngayong pagbubukas ng klase, isang dalagita ang nagpatiwakal sa pamamagitan ng paglagok ng silver cleaning solution ka­hapon ng umaga sa Navotas City.

Idineklarang dead-on-arrival sa Tondo Medical Center si Nicole Laxa, 15, ng Raja Humabon st., Daanghari ng nabanggit na  lungsod.

Sa ulat ng Navotas City Police, dakong alas-5:30 ng umaga, nang katukin ng isang kaanak ang biktima sa kuwarto nito upang gisingin subalit walang sumasagot.

Dahil dito, sapilitang bi­nuksan ang pintuan ng kuwarto ng biktima at laking gulat ng mga kaanak nang makitang bumubula ang bibig ng dalagita habang nasa tabi ang isang botelya ng silver cleaning solution.

Nabatid na nagsimulang maging malulungkutin ang biktima nang malaman na hindi makakapag-aral ngayong darating na pagbubukas ng klase.

Gayunman, patuloy pa ring iniimbestigahan ang na­turang insidente.

Show comments