^

Metro

Service crew hinoldap, brief lang ang itinira

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines- Brief lamang ang itinira ng isang kilabot na holdaper sa biniktima nitong service crew makaraang limasin lahat ng gamit nito pati na ang damit, pantalon at sapatos, kamakalawa ng gabi sa Pasay City. Lulugu-lugong iniulat sa istasyon ng pulisya ng 20-anyos na si Mark ng Pasay City ang sinapit makaraang isang concerned citizen ang magpahiram dito ng damit na isinuot nito. Naituro naman ng biktima ang suspek sa ipinakitang photo rouge gallery na naging daan para madakip ang sinasabing holdaper na si Wilmar Esmeria. Sinabi ng biktima, naglalakad siya sa may Libertad St. dakong alas-8:10 kamakalawa ng gabi nang isang hindi nakilalang lalaki ang dumikit sa kanya buhat sa likuran at tutukan siya ng patalim. Sapilitang hinila siya ng suspek sa isang madilim na eskinita kung saan unang hiningi ang kanyang cellphone na nagkakahalaga umano ng P5,000 at wallet na may lamang P250 cash. Nang hindi nakuntento sa nakuha, pinahubad pa ng salarin ang suot na sapatos, pantalon at damit ng biktima na walang nagawa kundi tumalima dahil sa pangambang tuluyang itusok sa kanya ang nakatutok na patalim ng holda­per. Kaswal lamang umanong naglakad palayo ang salarin habang naghintay ng pagkakataon ang biktima na makatawag ng atensyon ng mga dumaraan at nakahingi ng saklolo at mapahiram siya ng damit.    

vuukle comment

BIKTIMA

KASWAL

LIBERTAD ST.

LULUGU

NAITURO

NANG

PASAY CITY

SAPILITANG

SINABI

WILMAR ESMERIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with