^

Metro

Pulis arestado sa mga baril at karnap na motor

- Ni Ludy Bermudo at Doris Franche -

MANILA, Philippines- Isang pulis na hinihinalang sangkot sa gunrunning activities ang inaresto ng mga tauhan ng Manila Police matapos mahulihan ng iba’t ibang baril at isang karnap na motorsiklo sa Sta Mesa sa nabanggit na lungsod.

Ang pulis na iniharap kay Manila Mayor Alfredo S. Lim ay kinilalang si PO1 Din Sibaro, 32, nakatalaga sa Police Security Protection Group, sa Camp Crame.

Binigyan din naman ng komendasyon ang mga arresting officer dahil sa hindi nasilaw sa alok na pera ng kanilang dinakip na kabaro.

Nabatid na para makalaya lamang, inalok pa umano ng suspect ang mga arresting officers na ibibigay na lamang ang mga baril at motorsiklo kapalit ng kanyang kalayaan.

Dahil dito, bukod sa mga kasong illegal pos­session of firearms at direct bribery, ini­utos ni Lim na kasuhan pa ng administratibo ang suspect.

Nabatid na dakong alas-11 ng umaga kamakalawa nang maputol ang strap ng dalang backpack ni Sibaro habang minamaneho ang motorsiklo sa Ramon Magsaysay Blvd. sa Sta. Mesa. Nagawa pa itong tulungan ng nakakitang mga pulis na nagduda naman dahil sa mabigat na bag ng una.

Dahil sa bigat ng bag, ininspeksiyon nila ito at nadiskubre ang apat na kalibre .45 at isang kalibre .38 ang laman kaya hinanapan nila ng dokumento ukol sa baril ang suspect.

Sa beripikasyon, nabatid pa na ang motorsiklong dala ng suspect ay naiulat na kinarnap noong Mayo 12, 2011 sa lungsod Quezon at nakapangalan sa isang P/Insp. Aurelio Alabado ng Information Technology Managament ng Camp Crame. Patuloy pa ang proseso ng beripikasyon sa mga baril na nasamsam upang matukoy kung mga lisensiyado ito.   

AURELIO ALABADO

CAMP CRAME

DAHIL

DIN SIBARO

INFORMATION TECHNOLOGY MANAGAMENT

MANILA MAYOR ALFREDO S

MANILA POLICE

NABATID

POLICE SECURITY PROTECTION GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with