^

Metro

1 pang kaso vs Leviste isinampa sa Makati

- Doris Franche-Borja, Danilo Garcia -

MANILA, Philippines- Kinasuhan na sa Makati Metropolitan Trial Court ng evasion of service of sentence si convicted at da­ting Batangas Gov. Antonio Leviste matapos mabuko na labas-pasok sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Ito ay makaraang ma­kitaan ng probable cause ang reklamong evasion of service of sentence na inihain ng NBI laban kay Leviste.

Ayon sa DOJ, pasado alas-9 ng umaga nang ganap na maisampa ang reklamo sa korte sa Makati.

Si Senior State Prose­cutor Lilian Doris Alejo pa ang tumayong investigating pro­secutor sa reklamo, habang hiwalay na panel naman ang binuo para imbestigahan ang naging paglabas-pasok nito sa New Bilibid Prison.

Matatandaang kahapon ay isinalang sa inquest proceedings si Leviste makaraan siyang maaresto noong Miyerkules ng mga kagawad ng NBI sa lungsod ng Makati. Samantala, lumalabas nga­yon na hindi na kwalipikado para sa “parole” si dating Batangas Gov. Jose Antonio Leviste matapos na mahuli itong labas-pasok sa Bilibid compound at maaaring madagdagan pa ang taong ilalagi nito sa kulungan dahil sa dagdag na kaso.

Sinabi kahapon ni Bureau of Corrections (BuCor) administrative division chief, Teodora Diaz na dahil sa paglabag ni Leviste sa kanilang tiwala at panibagong kasong evasion of sentence, hindi na ito kuwalipikado sa parole o mapalaya ng mas mababa sa inihatol na taon ng pagkakulong.

Kamakalawa, idiniretso si Leviste ng mga tauhan ng NBI sa maximum security compound ng NBP na isa umano sa mga parusa kay Leviste. Tuluyang tinanggal na rin kay Leviste ang “living out status” nito na ibinigay sa dating gobernador dahil sa pagiging senior citizen sa edad na 71.

ANTONIO LEVISTE

BATANGAS GOV

BUREAU OF CORRECTIONS

JOSE ANTONIO LEVISTE

LEVISTE

LILIAN DORIS ALEJO

MAKATI

MAKATI METROPOLITAN TRIAL COURT

MUNTINLUPA CITY

NEW BILIBID PRISON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with