^

Metro

2 bus nagkarera na naman sa Commonwealth: 10 sugatan

- Ricky ­Tulipat -

Manila, Philippines - Sa kabila nang matin­ding operasyon sa tinaguriang killer highway, hindi pa rin na­paawat sa kawalang disiplina ang karamihan sa mga bus driver na dumadaan dito, makaraang 10 sugatan nang magsalpukan na naman ang dalawang bus kahapon ng ma­daling-araw.

Ayon sa report, nangyari ang aksidente sa may North Fairview ng naturang kalsada ganap na alas-4:30 ng mada­ling-araw.

Sinasabing binabagtas ng naturang mga bus ang nasabing lugar galing Fairview patungong Litex at Philcoa nang salpukin ng Claro bus (NXV-738) na minamaneho ni Joselito Montajes, isa sa sugatan ang likurang bahagi ng Nova bus (TXJ-783) na minamaneho naman ng sugatan ding si Joel Cunanan.

Dahil matulin ang takbo ng Claro bus, ay nayupi ang unahang bahagi nito habang wasak naman ang huling bahagi ng Nova bus dahilan para magkasugat-sugat ang naturang mga biktima.

Ang iba pang sugatan ay mga pasahero ng magkabilang bus. Sinabi ng ilang mga saksi, kapwa matulin ang takbo ng dalawang bus na tila nagkakarerahan hanggang sa mapahinto ang Nova bus sa kalsada kung kaya hindi na nagawang makapag-preno pa ng Claro bus at bundulin ito.

Naipit nang husto si Montajes sa kanyang upuan dahil sa lakas ng impact ay halos lumusot ang katawan nito sa ilalim ng bus kung kaya natagalan bago siya nahugot ng mga rumespondeng miyembro ng MMDA at isinugod sa ospital.

vuukle comment

AYON

BUS

DAHIL

FAIRVIEW

JOEL CUNANAN

JOSELITO MONTAJES

LITEX

MONTAJES

NORTH FAIRVIEW

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with