^

Metro

Holdaper utas sa pulis

- Ni Ludy Bermudo -

Manila, Philippines - Patay ang isang hindi pa kilalang holdaper matapos man­laban sa mga pulis na rumesponde sa isang holdapan sa Tondo­, Maynila, kahapon ng madaling-araw. Isa pang kasa­mahan ng nasawi ang nakatakas. Dakong alas-2:10 ng mada­ling araw ng maganap ang insidente sa Dagupan Ext, at Bulacan­ St., Tondo, Maynila.

Isang babae na kinilalang si Racquel Santos ang patungo sa paradahan ng tricycle nang biglang hablutin umano ng isa sa dalawang suspect ang kaniyang bag. Nagtatakbo ang biktima at sumigaw ng tulong kaya nakaagaw pansin sa mga nagpapatrulyang pulis na humabol sa mga suspect.

Pinaputukan umano ng isa sa suspect ang mga pulis na hindi naman tumama kaya siya niresbakan ng putok na ikinabulagta nito. Narekober dito ang isang baril at ang bag na hinablot sa kanilang biktima.

vuukle comment

BULACAN

DAGUPAN EXT

DAKONG

ISA

ISANG

MAYNILA

NAGTATAKBO

NAREKOBER

RACQUEL SANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with