^

Metro

MMDA traffic enforcer sadyang binangga sa killer highway

- Danilo Garcia -

Manila, Philippines - Mistulang nagdeklara na ng “all-out-war” ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga kaskaserong tsuper makaraang isang traffic enforcer nila ang sadyang banggain ng isang jeepney driver na pinapara dahil sa overspeeding sa Commonwealth Avenue, Quezon City kahapon ng umaga.

Nagpapagaling ngayon sa pagamutan ang enforcer ng MMDA na nakilalang si Edwin Lamban, miyembro ng Task Force Lawin habang agad namang nadakip ang driver na si Frederick Salio.

Nabatid na pinapara ni Lamban ang pampasaherong jeep (NXS-2650) na minamaneho ni Salio dahil sa paglampas sa 60 km speed limit sa naturang lansangan dakong alas-8:30 ng umaga kahapon ngunit tinakbuhan ng driver ang enforcer na humabol sa suspek lulan ng kanyang motorsiklo.

Nang malapit na sa Litex Road, dito na binangga umano ni Salio si Lamban sanhi ng pagtalsik nito sa kanyang motor. Agad namang sumaklolo ang mga kasama­hang enforcer ni Lamban kung saan nadakip si Salio.

“Nakikita natin ngayon na hindi na nirerespeto ng mga reckless drivers ang batas, kahit sino maaaring maging biktima ng kanilang kawalang responsibilidad at kapabayaan,” ani Tolentino. Dahil dito mas lalo pa umanong paiigtingin ng MMDA ang kanilang kampanya sa Commonwealth Avenue­ upang maputol na ang pag-abuso ng mga walang disiplinang drivers.

Nahaharap ngayon sa ka­song reckless imprudence re­sulting to physical injuries at evading arrest ang suspect habang na-impound na ang minamaneho nitong jeep.

Samantala, kasama rin sa nahuli ng MMDA kahapon dahil sa overspeeding ang isang Toyota Fortuner na may plakang “8”, na nadiskubreng pag-aari ni Diwa Partylist Rep. Emmeline Aglipay. Nabatid na pinara ang naturang behikulo na minamaneho ng driver na si Eugenio Taylar ngunit hindi naman batid kung sakay nito ang mambabatas.

Isa pang behikulong “8” ang pinara dahil din sa overspeeding na minamaneho ni Vicente Santiago. May ikalawang plaka naman ito sa likuran na ZDF-535 kung saan inaalam pa kung sinong mambabatas ang nagmamay-ari ng sasakyan.  

COMMONWEALTH AVENUE

DIWA PARTYLIST REP

EDWIN LAMBAN

EMMELINE AGLIPAY

EUGENIO TAYLAR

FREDERICK SALIO

LAMBAN

LITEX ROAD

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

SALIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with