^

Metro

P62-M computer at internet equipment nasamsam

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Umaabot sa P62 milyong halaga ng mga computer at mamahaling internet equip­ment ang nasamsam ng mga operatiba ng PNP-CIDG ma­tapos salakayin ang isang call center sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Ayon kay PNP-CIDG Director P/Chief Supt. Samuel Pagdilao, dakong alas-11:30 ng gabi ng salakayin ang Authenti­source Corporation sa ikalawang palapag ng Thomas­ Square sa T. Morato sa panulukan ng Roces Avenue ng lungsod.

Ang raid ay isinagawa sa bisa ng search warrant na inisyu ni Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 21 Judge Amor Reyes laban sa naturang call center bunga ng paglabag sa batas sa E-Commerce.

Kabilang sa nasamsam ay tatlong super micro­servers, 8 itim na clone servers­, anim na kulay abong HP Proilant­ Tower Servers na tinatayang aabot sa halagang $1.5 milyon o katumbas na P62-M.

Isinagawa ang operasyon base sa reklamo ni Mr. Steven Keith Bath, American national, may-ari ng Authentisource Corp. laban kina Jayghee­ Gayo, Filipino General­ Manager­; Maricelle Roxas, Human Resource Manager at iba pang mga empleyado.

Base sa alegasyon ni Bath, na-hack umano ng kanyang mga empleyado ang computer security system, ninakaw ang mahahalagang data files at ibinenta ito sa kalabang kompanya na Metis Apax Corp..

Nabatid na wala sina Gayo at Roxas ng isagawa ang raid kung saan ay isinara naman ni Bath ang Authentisource Corp. matapos ang operasyon ng mga operatiba.

Sa imbestigasyon , ang Authentisource Corp. ay may 17 servers sa tanggapan nito sa bansa na may ugnayan sa File Transfer Protocol (FTP) server na inio-operate ni Bath sa base nito sa Estados Unidos.

Sinabi ni Bath sa mga imbestigador ng CIDG na tanging ang Pinoy Information Technology (IT) Manager niya sa Pilipinas na si Carlito Herreria­ Jr. ang nakakaalam ng system security access code. Ang na­sabing code ang siyang ginagamit para makuha ang impormasyon sa pagitan ng FTP sa US at sa 17 server nito sa bansa.

AUTHENTISOURCE CORP

CARLITO HERRERIA

CHIEF SUPT

DIRECTOR P

ESTADOS UNIDOS

FILE TRANSFER PROTOCOL

FILIPINO GENERAL

GAYO

HUMAN RESOURCE MANAGER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with