^

Metro

Lasing na kelot hulog sa overpass

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Dahil sa sobrang kalasingan, isang lalaki ang nasa malubha ngayong kala­gayan matapos na mahulog mula sa overpass saka bumagsak sa isang owner-type jeep sa lungsod Quezon kahapon.

Ang biktima na kinilalang si Shada Ethusalem, 27, ng Saint Jude St. Villa Maria Subdivision, Caloocan City ay ginagamot ngayon sa East Avenue Medical Center sanhi ng pinsalang natamo nito sa kanyang katawan.

Sa ulat ng pulisya, nangyari ang in­sidente sa may overpass ng Cubao ganap na alas-4:20 ng madaling-araw.

Sinasabing sa labis na kalasingan ay nakatulog ang biktima sa concrete barrier ng overpass sa may Monte de Piedad St., Cubao kung saan nang umikot ito patagilid ay aksidenteng nahulog na bumagsak sa harapan ng isang owner-type jeep (TLA-603) na minamaneho ni Henry Soriano.

Binabagtas umano ni Soriano ang kahabaan ng EDSA patungo ng Aurora Blvd. nang bumagsak sa kanyang sasakyan ang biktima.

vuukle comment

AURORA BLVD

BINABAGTAS

CALOOCAN CITY

CUBAO

DAHIL

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

HENRY SORIANO

PIEDAD ST.

SAINT JUDE ST. VILLA MARIA SUBDIVISION

SHADA ETHUSALEM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with