^

Metro

Air Force, 2 pa timbog sa droga

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Natimbog ng mga operatiba ng Quezon City Police Drug Enforcement Unit ang isang miyembro ng Philippine Air Force at dalawa pang kasamahan nito matapos na makuhanan ng droga sa isinagawang buy-bust operation sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Kinilala ni Supt. Pedro Sanchez, hepe ng Police Station 5 ang mga suspect na sina Sgt. Abdir-Khalil Said, 30, nakatalaga sa Special Operations Wing (SPOW) ng Philippine Air Force (PAF) sa Basa Air Base sa Pampanga at kasamahan na sina Radzmil Waliyol, 31 at Radsmir Tulawie, 32 .

Narekober sa mga suspect ang dalawang sachet­ ng shabu matapos ang buy-bust operation sa Fairview Apartelle, Brgy. Fairview ng nabanggit na lungsod, ganap na alas-11:30 ng umaga.

Ayon sa pulisya, matagal na umanong minaman­manan ng tropa ang mga suspect matapos ang impormasyong natanggap nila kaugnay sa pagpapakalat ng mga ito ng droga sa lugar.

Kaya naman, nang magpositibo ang impormas­yon ay saka isinagawa ang operation na nagresulta sa pagkakadakip sa mga ito. Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Dangerous Drug Act ang mga suspect.

ABDIR-KHALIL SAID

BASA AIR BASE

DRUG ACT

DRUG ENFORCEMENT UNIT

FAIRVIEW APARTELLE

PEDRO SANCHEZ

PHILIPPINE AIR FORCE

POLICE STATION

RADSMIR TULAWIE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with