^

Metro

Mister nagsaksak sa sarili matapos mapatay ang misis

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Pinatay muna sa saksak ng isang mister ang kanyang misis bago rin ito nagsaksak sa sarili kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Dead-on-arrival sa Manila Central University (MCU) Hospital ang biktimang si Jacqueline Manalang, 32, ng Brgy. Maysan ng nasabing lungsod sanhi ng tinamong mga saksak sa katawan.

Nasa kritikal na kondisyon naman ang suspek na si Ferdinand Velasco na nagsaksak sa tiyan.

Naganap ang insi­dente dakong alas-7 ng gabi sa loob ng bahay ng mag-asawa. Ayon sa kanilang mga kapitbahay, unang narinig ang pagtatalo ng dalawa kasunod ang mga kalabog, hanggang sa marinig ang paghingi ng tulong ng babae.

Puwersahang binuksan ng mga kapitbahay ang bintana ng bahay ng dalawa at doon gumulantang sa kanila ang duguang biktima at suspek. Mabilis na isinugod ang dalawa sa pagamutan, subalit ang babae ay dineklarang DOA at ang suspek naman ay kasalukuyang inoobserbahan sa naturang pagamutan. Selos ang nakikitang dahilan sa krimen.   

vuukle comment

AYON

BRGY

FERDINAND VELASCO

JACQUELINE MANALANG

MABILIS

MANILA CENTRAL UNIVERSITY

MAYSAN

NAGANAP

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with