Lalaki sugatan sa ligaw na bala
Manila, Philippines - Sugatan ang isang 38-anyos na lalaki matapos tamaan ng ligaw na bala sa Malate, Maynila, kamakalawa. Hindi pa tukoy ng awtoridad ang suspect na sinasabing nagpaulan ng bala at responsable sa pagkasugat ng biktimang si Norman Domenden ng Malate, Maynila.
Sa ulat, dakong alas-9 ng gabi nang maganap ang insidente sa may panulukan ng Leveriza St. at Quirino Avenue, Malate, Maynila.
Nabatid na habang naglalakad ang biktima nang biglang marinig ang sunud-sunod na putok ng baril galing sa kung saan hanggang sa nakita na lamang ng mga istambay sa lugar na duguan ito kaya isinugod sa pagamutan. Patuloy pa ang imbestigasyon sa kaso.
- Latest
- Trending