^

Metro

Lalaking patay na inabandona sa wheelchair, kilala na

- Angie dela Cruz, -

Manila, Philippines - Kilala na ang lalaking natagpuang patay habang nakaupo sa wheelchair sa Malabon City.

Positibong kinilala ni Angelita Veron, ang biktima na kanyang anak na si Diego Viron, 31, factory worker ng Santa Cruz Bukid, Santa Maria, Bulacan.

Sa report, dakong ala-1 ng hapon kamakailan nang ma­tagpuan ng isang Roderick Patawi ang biktima na nakaupo sa isang wheelchair sa isang bakanteng lote sa MacArthur Highway, Brgy. Potrero, Malabon City.

Nang lapitan ay napansin na hindi na gumagalaw ang biktima na naging dahilan upang itawag niya ito sa pulis. Wala namang nakitang sugat sa katawan ang biktima kung saan inaalam pa ang ikinamatay nito.

Inaalam na rin ng mga pulis kung sino ang nag-iwan sa bangkay ng biktima habang sinabi naman ni Angelita na walang sakit ang kanyang anak.

vuukle comment

ANGELITA

ANGELITA VERON

BRGY

BULACAN

DIEGO VIRON

INAALAM

MALABON CITY

RODERICK PATAWI

SANTA CRUZ BUKID

SANTA MARIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with