^

Metro

2 utas, 4 sugatan sa riding-in-tandem

- Ni Ludy Bermudo -

Manila, Philippines - Patay ang dalawa katao habang apat pa ang malubhang nasugatan matapos na pagbabarilin ang mga ito ng riding­ team tandem kamaka­lawa ng gabi sa Caloocan City.

Dead-on-arrival sa Far Eastern University (FEU) Hospital ang mga biktimang sina Leonillo Antonio, 33; at Chat Julius­, 21, sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa kani-kanilang­ katawan buhat sa isang caliber 22 pistol.

Ginagamot din sa naturang pagamutan ang apat pang biktima na sina Joseph del Miquez, 27; Jerbie Molina, 23; Arjay Octobre, 20; at Alvin Cablan, 22.

Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga kagawad ng Caloocan City Police laban sa dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek.

Base sa nakalap na impormasyon, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi sa harapan ng bahay ng biktimang si Molina na mata­tagpuan sa Saint Jorge St., Sacred Heart Village, Brgy. 179, ng nabanggit na siyudad.

Nabatid na kasalukuyang nag-iinuman ang mga biktima sa naturang lugar nang duma­ting ang dalawang suspek na sakay ng isang motorsiklo at kapwa armado ng baril.

Pagkababa ng mga suspek sa kanilang motorsiklo ay walang sabi-sabing pinaputukan ng mga ito ang mga nabiglang biktima na abala sa kanilang pag-inom. Matapos ang insi­dente ay mabilis na nagsi­takas ang mga suspek sa hindi natukoy na direksiyon sakay ng isang motorsiklo habang isinugod naman ang mga biktima sa nabanggit na pagamutan ngunit hindi na umabot pang buhay sina Antonio at Julius.

Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na nagsasagawa ng follow-up investigation ang mga awtoridad sa insidente para mabatid na rin kung ano ang motibo sa isinagawang pamamaril.

ALVIN CABLAN

ARJAY OCTOBRE

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CHAT JULIUS

FAR EASTERN UNIVERSITY

JERBIE MOLINA

LEONILLO ANTONIO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with