^

Metro

Pulis na nagtaboy ng vendors, patay sa boga

- Danilo Garcia -

Manila, Philippines - Patay ang isang miyembro ng Parañaque City Police makaraang barilin sa batok ng isang hindi pa nakikilalang salarin habang nagsasagawa ito ng “clearing operations” sa mga illegal vendors sa Bac­laran, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si PO3 Maphilindo Prades, 47, nakatalaga sa Special Operations Group (SOG) ng Parañaque City Police at naninirahan sa Malagasang Anabu II, Cavite.

Nabatid na nagtamo ito ng tama ng bala sa batok na tumagos sa kanyang noo.

Sa ulat ng Parañaque police, nagsagawa ng “clearing operations” sa kahabaan ng Redemptorist Road sa Brgy. Baclaran ang pulisya na pinangunahan mismo ng kanilang hepe na si Sr. Supt. Nestor Pastoral makaraang okupahin muli ng mga vendor ang mga bangketa.

Nang maitaboy ang mga vendors pasado alas-7 ng gabi, nauna na umanong umalis si Pastoral at ibang mga pulis subalit naiwan pa si Prades upang matiyak na hindi na magbabalikan pa ang mga vendors. Dito na umano biglang binaril ng hindi nakikilalang suspect ang pulis sa batok bago umangkas sa naghi­hintay na motorsiklo at ma­bilis na tumakas.

Isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ukol dito.

BACLARAN

BRGY

CAVITE

CITY POLICE

MALAGASANG ANABU

MAPHILINDO PRADES

NESTOR PASTORAL

REDEMPTORIST ROAD

SPECIAL OPERATIONS GROUP

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with