^

Metro

Manhunt sa 3 pulis-Makati, inilunsad

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Ipinag-utos ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director, Chief Supt. Allan Purisima ang manhunt ope­ration sa tatlong pulis Makati na itinuturong bumaril at naka­patay sa isang 13-anyos na basurero, noong Lunes ng hapon.

Ito’y makaraang mabigo ang mga pulis na sumuko matapos ang alas-12 ng tanghali na deadline na ibinigay ni Purisima kahapon laban kina Chief Insp. Angelo Germinal, hepe ng Makati Police Community Precinct 5; mga tauhan nitong sina PO3 Robert Rinion at PO1 Nicolas Apostol.

Ang tatlo ang itinuro ng mga saksi na nakabaril at naka­patay sa biktimang si Christian Serrano, ng Kalayaan Avenue, ng naturang lungsod. Nabatid na nangunguha ng makakalakal na basura ang biktima kasama ang dalawang kapwa binatilyo dakong alas-2:50 nitong Lunes ng hapon nang sitahin at barilin umano ng naturang mga pulis na nagresulta sa pagkasawi ni Serrano.

Inatasan ni Purisima si SPD director Chief Supt. Jose Arne Delos Santos na agad na dakpin ang tatlong pulis upang mapanagot ang mga ito. Samantala, nagpadala na umano ng “surrender feelers” ang tatlong pulis sa mga kasamahan sa Makati police para sa kanilang kusang pagsuko.

Sinibak naman ni Purisima si Makati police officer-in-charge P/Supt. Victor Luarez at ipinalit si Supt. Jaime Santos. Labis na ikinagalit ni Purisima na naganap ang naturang pamamaril sa likod lamang ng Makati City Police Station.          

Binisita naman kamakalawa ng gabi ni Makati Mayor Junjun Binay ang burol ng labi ni Serrano at ipinangako sa mga magulang nito na bibigyan nila ng katarungan ang pagkasawi ng biktima na minsan ay nangarap pang maging isang pulis.

ALLAN PURISIMA

ANGELO GERMINAL

CHIEF INSP

CHIEF SUPT

CHRISTIAN SERRANO

JAIME SANTOS

JOSE ARNE DELOS SANTOS

MAKATI

PURISIMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with