^

Metro

Pipi't bingi balak i-hire ng NBI

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Plano ng National Bureau of Investigation (NBI) na mag-hire ng mga empleyadong pipi at bingi sa paniniwalang mapagkakatiwalaan ang mga tulad nila at halos walang nabibilanggo na ka­uri­ nila.

Gayunman, pinag-aara­ lan pa ng NBI kung maari itong gawin dahil sa balakid o may umiiral na Executive Order 366 o Government Ra­tionalization Program, na may probisyon na nagbabawal sa ‘hiring of additional personnel’.

Sinabi ni NBI director Magtanggol Gatdula maayos ang serbisyo ng mga pipi’t bingi sa 45-araw nila sa data processing training sa NBI ng mga estudyante ng De La Salle – College of Saint Benilde School of Deaf Education and Applied Stu­dies (DLS-CSB SDEAS).

Nabatid na lumagda ang NBI at DLS-CSB SDEAS sa Memorandum of Under­standing sa Angelo King Cen­ter, CSB Hotel noong Martes para sa pagbibigay ng training opportunities sa mga pipi at bingi na estudyante na ma­kakatulong naman umano sa NBI bilang work force.

Sa pahayag naman ni NBI Cyberspace Security head, retired Air Force Col. Danny Crisologo, mas mapapababa ang korapsiyon dahil bago makumbinsi umano ang mga bingi, kailangang mag-aral muna ng sign language ang kakausap dito at bihira umano sa pipi’t bingi ang ma­kikita mong nakakulong o may nagawang krimen.

AIR FORCE COL

ANGELO KING CEN

COLLEGE OF SAINT BENILDE SCHOOL OF DEAF EDUCATION AND APPLIED STU

CYBERSPACE SECURITY

DANNY CRISOLOGO

DE LA SALLE

EXECUTIVE ORDER

GOVERNMENT RA

MAGTANGGOL GATDULA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with