^

Metro

Tsinoy timbog sa P10-M pekeng Lacoste

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Inaresto ng mga ele­mento ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang isang   Filipino-Chinese trader kasunod ng pagkakasamsam sa P10-M halaga ng mga pekeng pro­duktong Lacoste sa magkakahiwalay na raid sa lungsod ng Parañaque at Pasay , ayon sa opisyal kahapon.

Sinabi ni PNP-CIDG Director P/Chief Supt. Samuel Pagdilao, aabot sa 22,000 piraso ng mga pekeng Lacoste shirts ang nakumpiska ng mga operatiba ng NCR-CIDG.

Bandang alas-11:30 ng umaga nang salakayin ang unang palapag ng Terminal Plaza Mall sa Baclaran, Parañaque at stockroom nito sa ikatlong palapag ng Unit 304 na matatagpuan sa #215 F. Angeles St., Pasay City.

Arestado naman sa ope­rasyon si Susan Ong, may-ari ng nasabing mga esta­bli­simento at nasa likod ng pagbebenta ng mga pekeng Lacoste shirts.

Isinagawa ang raid sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Ma. Theresa Dolores Gomez-Estoesta ng Regional Trial Court Branch 7 sa lungsod ng Maynila.

ANGELES ST.

CHIEF SUPT

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DIRECTOR P

JUDGE MA

LACOSTE

PASAY CITY

REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

SAMUEL PAGDILAO

SUSAN ONG

TERMINAL PLAZA MALL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with