^

Metro

4 patay sa 2 aksidente

- Danilo Garcia, Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Apat katao ang iniulat na nasawi sa dalawang aksidenteng naganap sa Las Piñas City at Quezon City kahapon.

Sa Las Piñas, dalawa ang namatay makaraang ma­bang­ga ng isang rumaragasang SUV ang isang babaeng tumatawid sa kalsada at saka sumalpok sa isang konkretong poste na ikinasawi ng driver nito, kahapon ng umaga sa Las Piñas City.

Nakilala ang mga nasawi na sina Diosdado Liwanag, 53, driver ng Isuzu Hi-Lander (WFP-571) at si Jovy Morales, 43, ng Pamplona ng naturang lungsod.

Sa inisyal na ulat ng Las Piñas City Police, naganap ang insidente dakong alas-6:30 ng umaga sa kahabaan ng Alabang-Zapote Road, sa tapat ng Borden Compound sa Brgy. Pamplona I habang minamaneho ni Liwanag ang kanyang sasakyan at binabagtas ang naturang kalsada nang mabangga ang tuma­tawid na si Morales.

Nawalan naman ng kontrol sa manibela si Liwanag sanhi upang diretsong bumangga ito sa isang kon­kre­tong poste. Dahil sa lakas ng pagkakabangga, nawasak ang harapan ng sa­sakyan habang sumalpok naman ang ulo ni Liwanag sa dashboard ng kotse.

Samantala, sa Quezon City, isang lalake at isang babae na hinihinalang mga teenager ang nasawi makaraang mabiktima ng hit and run sa Novaliches kahapon ng madaling-araw.

Walang nakuhang anumang pagkakakilanlan sa da­lawang biktima na tinatayang nasa edad na 17 hanggang 18 anyos.

Sinasabing naabutan na lang ng mga awtoridad ang dalawa matapos matanggap ang impormasyon mula sa isang concerned citizen habang nakahandusay at wala ng buhay sa may Belfast St., Pasong Putik Village, Nova­liches ganap na alas-3 ng madaling -araw.

Sa paunang imbestigas­yon, lumilitaw na pasado alas-2:15 ng madaling-araw nang mangyari ang aksidente kung saan sinasabing sakay ng kanilang motorsiklo (UI-4056) ang mga biktima nang mabundol umano ito ng di mabatid na sasakyan at takasan. 

Nakasuot ng itim na t-shirt at maong na pantalon ang lalaking biktima habang stripes na t-shirt at leggings naman ang suot ng babaeng biktima.

Ang bangkay ng mga biktima ay nakalagak ngayon sa Prime Funeral Parlor sa Commonwealth Avenue para sa kaukulang disposisyon.

ALABANG-ZAPOTE ROAD

BELFAST ST.

BORDEN COMPOUND

CITY POLICE

COMMONWEALTH AVENUE

DIOSDADO LIWANAG

LAS PI

LIWANAG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with