Prison guard at kinakasama timbog sa P2.1-M shabu

MANILA, Philippines - Isang jail guard at ki­nakasama nito ang na­aresto ng tropa ng Phi­lippine Drug Enforcement Agency matapos isaga­wa ang buy-bust ope­ra­tion sa Cubao, Quezon City, iniulat kahapon.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. ang mga suspect na sina Roldan Avillonozo Ramilo, 50, jail guard ng Bureau of Corrections; at Rochie Ordas Ong, 34, ng Golden City Subdivision, Imus, Cavite.

Ayon kay Gutierrez, ang mga suspect ay na­dakip ng tropa ng PDEA Metro Manila Regional Office (PDEA MMRO) sa besinidad ng Araneta Extension corner Gen. Mc Arthur Ave., Cubao, ganap na alas-2 ng hapon.

Sinasabing matagal nang tinitiktikan ng ahensya ang mag-live in dahil sa ulat na pagbebenta ng mga ito ng droga dahilan para isagawa ang nasa­bing operasyon.

Nakumpiska sa mga suspect ang tatlong piraso ng transparent plastic bags ng shabu na tumi­timbang ng 300 grams at may street value na P2.1 million at isang unit ng Maroon Nissan Sentra Super Saloon (UAS 442).

 Kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) in relation to Section 26b (Cons­piracy to Sell Dangerous Drugs), Article II of RA 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kinakaharap ngayon nina Ra­milo at Ong.

Show comments