^

Metro

Mid-year bonus ng mga kawani sa Navotas City Hall, ibibigay na

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Magandang balita para sa mga kawani ng Navotas City Hall dahil maaga nilang matatanggap ang kanilang mid year bonus bilang paghahanda sa nalalapit na pagbu­bukas ng klase.

Ito ang inanunsiyo ni Na­votas Mayor John Rey Tiangco sa  may 1,240 kawani ng naturang tanggapan.

“We want to help our city hall employees to avoid the school opening rush and to cope with the expected increase in the prices of school supplies as the school ope­ning draw near,” ayon kay Tiangco.

Ang matatanggap na bonus ng mga empleyado ay katumbas ng kalahating buwan suweldo samantalang makukuha rin ang 50 porsi­yento sa kanilang taunang bonus na ibinibigay.

Inatasan na rin ng alkalde ang Navotas City Police na paghandaan ang “Balik Eskuwela 2011” program upang mabigyan ng seguridad ang lahat ng eskwela sa buong Navotas.

BALIK ESKUWELA

CITY HALL

INATASAN

MAGANDANG

MAYOR JOHN REY TIANGCO

NAVOTAS

NAVOTAS CITY POLICE

TIANGCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with