^

Metro

102 video karera winasak sa Maynila

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Umaabot sa 102 video karera machines ang winasak   ni Manila Mayor Alfredo Lim sa Bonifacio Shrine kasunod ng patuloy na kampanya sa lungsod laban sa iba’t- ibang ilegal na sugal.

Sinabi ni Lim, na mahigpit na ipinagbabawal ang VK sa lungsod dahil maraming kabataan ang nasisira ang buhay dahil dito at nalululong sa sugal.

Lalo na ngayong magpa­pasukan, sinabi ni Lim na da­pat na maiiwas ang mga kabataan dahil sinasayang lamang ng mga ito ang pera ng kanilang mga magulang.

Bukod dito kadalasan ding nagiging ugat ng away ang sugal bunga ng kantiyawan at pikunan.

Dahil dito, umapela si Lim sa mga barangay chairman na tumulong na maituro ang mga lugar na may VK upang agad na makumpiska.

Sinuman aniya ang nagbibigay ng proteksiyon sa mga VK operators ay kanilang sasampahan ng kaso.

vuukle comment

BONIFACIO SHRINE

BUKOD

DAHIL

LIM

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

SINABI

SINUMAN

UMAABOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with