^

Metro

Tsinoy na tinangkang manunog, timbog

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Ang labis na pag-inom ng alak ang ugat para maharap sa kasong arson ang isang Tsinoy matapos na umano’y tangkain nitong sunugin ang kanyang bahay na muntik ng makadamay sa iba pang kabahayan kung hindi agad naapula ng mga pamatay-sunog sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang dinakip na suspect na si Larry Wy ng Bignay St., Project 2, Brgy. Quirino sa lungsod.

Sa pagsisiyasat, ganap na ala-1 ng madaling-araw nang mangyari ang insidente, matapos na umano’y umuwing lasing­ ang suspect sa kanyang bahay.

Sinabi ng ilang residente, sa loob ay narinig nilang tila nagwa­wala ang suspect hanggang sa may narinig silang sumisigaw­ ng sunog mula sa ilang kapitbahay.

Mabilis namang rumisponde ang mga pamatay-sunog mula sa lungsod at agad na naapula ang apoy, ganap na ala-1:37 ng madaling araw, kasabay ng pagsaklolo sa suspect na inabutan nilang nakahandusay matapos na masugatan sa pangyayari.

Patuloy ang pagsisiyasat para matukoy ang halaga ng pinsala­ at dahilan ng suspect para sunugin ang kanyang bahay.

vuukle comment

BIGNAY ST.

BRGY

KINILALA

LARRY WY

MABILIS

PATULOY

QUEZON

QUIRINO

SINABI

TSINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with