^

Metro

Hapones tinarakan ng holdaper

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines -  Sugatan ang turistang Hapones nang saksakin sa dibdib ng isa sa dalawang holdaper na nagtangkang tumangay sa dala niyang clutch bag kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Isinugod sa Manila Sanitarium ang biktimang nakilalang si Imai Yu, 30, ng Kawagoe, Saitama, Japan at pansamantalang nanunuluyan sa isang hotel sa Rotonda, Taft Avenue, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Pasay police, naglalakad ang dayuhan sa may Gil Puyat Avenue malapit sa kanto ng Tramo street nang biglang sumulpot ang dalawang holdaper at hablutin ang kanyang dalang clutch bag. Posible umanong nanlaban ang biktima kaya ito sinaksak ng mga salarin. Nagawa namang mabawi pa ng biktima ang kanyang clutch bag na naglalaman ng P4,225 cash at iba pang personal na gamit nang malaglag ito bago makatakbo at nakahingi ng saklolo.

vuukle comment

GIL PUYAT AVENUE

HAPONES

IMAI YU

ISINUGOD

KAWAGOE

MANILA SANITARIUM

NAGAWA

PASAY

PASAY CITY

TAFT AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with