Fetus itinapon

MANILA, Philippines -  Nangangamoy na nang matagpuan ang isang fetus na itinapon sa ice machine sa likod ng isang fastfood chain sa Mandaluyong City kahapon ng umaga.

Dakong alas-8:10 ng umaga nang madiskubre? ang lalaking fetus, na tina­tayang nasa pagitan ng anim hanggang pitong buwan na, sa ibabaw ng isang ice machine ng fastfood chain sa Acacia Lane, sa Brgy. Hagdan Bato, sa Pasig City.

Ayon kay PO2 Ma. Fe Agluba, ng Women’s and Children Protection Desk (WCPD) ng Mandaluyong Police, nakalagay ang fe­tus sa karton ng isang juice at nakabalot pa sa kulay asul na stripe na plastic bag.

Ani Agluba, si Jean Quezon, security guard ng Vibrant Security Agency nadiskubre niya ang la­laking fetus at agad nitong ini­report sa pulisya.

Nakaamoy umano ito ng masangsang sa lugar kaya’t hinanap ito at dito na natuklasan na fetus pala ang pinagmumulan ng amoy.

Show comments