^

Metro

3-anyos hati ang katawan sa cement mixer

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines -  Karumal-dumal ang sinapit ng isang 3-taong gulang na batang babae habang posible namang maputulan ng paa ang lolo nito na nagma­maneho ng motorsiklo nang mabangga at suyurin ng isang cement mixer truck, kahapon ng umaga sa Ermita, Maynila.

Nahati ang katawan ng biktimang si Janery Siplon, ng Ba­seco Compound, Port Area, Manila, habang nila­lapatan pa ng lunas sa Me­dical Center Manila (MCM)ang lolo nitong si Crisaldo Morales, 48, na nadurog umano ang kanang binti.

Sa ulat ni SPO3 Sergio Macaraeg ng Manila Traffic Enforcement Group, nakatakdang isailalim sa inquest proceedings ang arestadong suspect at driver ng mixer truck na si Levi Gonzales Cano, 39, residente ng Para­ñaque City, empleyado ng kum­panyang Monocrete Ready Mix.

Sa ulat, dakong alas-9 ng umaga kahapon nang maganap ang insidente sa panulukan ng  United Nations Ave. at San Marcelino Sts., sa Ermita.

Ayon sa testigo, red signal light at nakahinto ang motorsiklo (4682 PH) ng mag-lolo habang nasa likuran nila ang cement mixer truck (RKG-434) na minamaneho naman ni Cano. Agad na pi­na­­takbo ni Cano ang truck nang mag-green light na hindi napansin ang motorsiklo at nasagasaan ang mga biktima.

Galing umano sa Manila City Hall ang mga biktima patungo sa Paco market upang mamili ng mga paninda nang maganap ang trahedya.

Habang isinusulat ang balitang ito, nag-uusap pa umano ang kampo ng pa­milya ng mga biktima at kinatawan ng kumpanya kung itutuloy pa ang pagsasampa ng mga kaso o mag-aaregluhan na lamang at sasagutin ang mga gastusin ng mga biktima.

vuukle comment

CANO

CENTER MANILA

CRISALDO MORALES

ERMITA

JANERY SIPLON

LEVI GONZALES CANO

MANILA CITY HALL

MANILA TRAFFIC ENFORCEMENT GROUP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with