^

Metro

Naiwang maleta, inakalang may bomba

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Naghari ang tensyon sa mga mamimili at mga vendors dahil sa pag-aakalang bomba ang laman ng isang naiwang travelling bag sa tanggapan ng isang kooperatiba sa isang shopping mall sa Pasay City kahapon ng umaga.

Dakong alas-10:00 ng umaga nang makita ang travelling bag sa tapat ng tanggapan ng isang kooperatiba sa Baclaran Mall, Taft Avenue ng nabanggit na lungsod.

Pigil ang hininga ng mga rumispondeng   tauhan ng bomb squad na nagsagawa ng inspection sa itim na travelling bag.

Nabatid na itinawag ng isang Wilfredo Lim ang naiwang travelling bag, na inakalang may lamang bomba.

Dahilan upang magkagulo ang mga mamimili at mga vendors sa takot na sumabog ito.

Gayunman, nang mabuksan ang travelling bag, pawang mga panty at bra lamang ang laman nito na posibleng na­ .......iwanan lamang ng isang mamimili.

vuukle comment

BACLARAN MALL

DAHILAN

DAKONG

GAYUNMAN

ISANG

PASAY CITY

TAFT AVENUE

WILFREDO LIM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with