6 Nigerian arestado
MANILA, Philippines - Anim na Nigerian nationals na pinaniniwalaang ilegal na pumasok sa bansa ang nasa kustodiya ngayon ng mga awtoridad matapos salakayin ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at ahente ng Bureau of Immigration ang dalawang lugar na tinitirhan ng mga ito sa Las Pinas City kahapon ng umaga.
Unang sinalakay ang Gatchalian Subdivision sa Manuyo Dos dakong alas-5:00 ng umaga at isinunod ang BF Resort Village kung saan inimbitahan ang nabanggit na mga dayuhan.
Kinilala ang mga nadakip na sina Edmond Chijioke 29; Victor Dhijioke Edeh, 31; Lazaus Echezona Nwagu, 24; George Vlayee 33; Michael Uchenha Acusih, 35; at Yahaya Zinentah, 36.
Ayon sa pulisya nakabase sa isang mission order sa ilalim ng EO No. 287 na inilabas ng Department of Justice ang ginawang pagsalakay sa nabanggit na mga lugar na tinitirhan ng mga Nigerian national matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa pananatili ng naturang mga dayuhan na walang kaukulang dokumento.
- Latest
- Trending