^

Metro

10-anyos bugbog-sarado sa ina

- Angie dela Cruz, -

Manila, Philippines - Isang 10-anyos na batang lalaki ang ginulpi ng kanyang sariling ina dahil lamang sa pagbili ng sitserya kahapon ng tanghali sa Caloocan City.

Latay ang buong katawan dahil sa gulping tinamo ng biktimang si John Leo Sogilon, 10, ng Dagat-dagatan ng lungsod na ito. Nasa kustodiya na ito ng DSWD. 

Inaresto naman ang ina ng biktima na si Rita, 30. Nabatid na tatlong araw na ang nakalilipas ay hindi pa umuuwi ang tatay ng totoy na construction worker sa ibang lugar na naging dahilan upang kapusin ng pagkain ang mag-iina.

Dakong alas-12 ng tanghali, nagbenta ng martilyo si Rita at binigyan ng P15 ang anak upang ibili ng kanilang makakain.

Pag-uwi ng biktima ay sitserya ang dala nito na naging dahilan upang uminit ang ulo ng suspek at kinuha ang stick na kawayan at walang humpay na pinagpapalo ang anak. Dahil sa pa­lahaw ng iyak kaya ito nakita ng nga kapitbahay na nagsumbong sa barangay dahilan upang dakpin ang ina ng biktima.

vuukle comment

CALOOCAN CITY

DAGAT

DAHIL

DAKONG

INARESTO

ISANG

JOHN LEO SOGILON

LATAY

NABATID

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with