Kinarnap na sasakyan ng trader, narekober
MANILA, Philippines - Natagpuan na ng mga operatiba ng District Anti-Carnapping Unit (DACU) ng Quezon City Police ang sasakyan na kinarnap sa isang negosyante ng isang lalake na nagpanggap na meka niko, matapos na i-abandona ito sa may bahagi ng Novaliches kamakalawa ng gabi.
Ayon sa DACU, ang nawawalang Nissan Exalta Grandeu na kulay maroon (WTH-497) ay natagpuan sa may King Cristopher St., Kingspoint Subdivision, Brgy. Bagbag, Novaliches ganap na alas-10 ng gabi.
Subalit dagdag ng kagawaran, wala na umano ang mga gulong ng nasabing sasakyan na maaaring siyang tinangay ng suspect na nagpakilala sa alyas na Jonathan.
Ang nasabing sasakyan ay tinangay ng suspect sa negosyanteng si Arthur Macapagal, 34, ng Regalado Avenue, Brgy. North Fairview nitong Lunes matapos na mag-aplay ang una bilang auto mechanic.
Nang magtiwala ang biktima sa suspect ay ipinagkatiwala nito ang susi at kotse pero hindi na ito bumalik dahilan para magpasya siyang humingi ng tulong sa awtoridad.
- Latest
- Trending



















