2 reservist ng Army niratrat, patay

MANILA, Philippines - Kapwa patay ang dalawang reservist ng Philippine Army matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek habang ang mga biktima ay nagkukuwentuhan kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakilala ang mga nasa­wing biktima na sina Virgilio Macalinao, 48 at Jonathan Sioson, 46.  

Samantala, nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga pulis laban sa hindi pa nakikilalang mga suspek.

Sa inisyal na imbestigas­yon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng gabi, habang nagkukuwentuhan ang mga biktima sa tapat ng bahay ni Macalinao nang sumulpot ang mga suspek na naka-itim na jacket at may takip na puting tuwalya ang mga mukha.

Walang sabi-sabing pi­nag­­­babaril ang mga biktima at pagkatapos ay nagsitakas ang mga suspek.

Nagsasagawa pa ng ma­lalimang imbestigasyon ang pulisya hinggil sa insidente.

Show comments