2 reservist ng Army niratrat, patay
MANILA, Philippines - Kapwa patay ang dalawang reservist ng Philippine Army matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek habang ang mga biktima ay nagkukuwentuhan kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Nakilala ang mga nasawing biktima na sina Virgilio Macalinao, 48 at Jonathan Sioson, 46.
Samantala, nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga pulis laban sa hindi pa nakikilalang mga suspek.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng gabi, habang nagkukuwentuhan ang mga biktima sa tapat ng bahay ni Macalinao nang sumulpot ang mga suspek na naka-itim na jacket at may takip na puting tuwalya ang mga mukha.
Walang sabi-sabing pinagbabaril ang mga biktima at pagkatapos ay nagsitakas ang mga suspek.
Nagsasagawa pa ng malalimang imbestigasyon ang pulisya hinggil sa insidente.
- Latest
- Trending



















