^

Metro

P100,000 reward vs kidnaper ng sanggol

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Nagpalabas ng P100,000 reward si Acting Manila Mayor Isko Moreno laban sa dumukot sa bagong panganak na sanggol sa loob mismo ng Ospital ng Maynila Medical Center (OMMC) kasabay ng pagtukoy sa suspect. Ayon kay Moreno, ang natu­rang reward money ay upang mapabilis ang pagdakip sa suspect.

Nabatid na nagsasagawa din ng imbestigas­yon ang mga awtoridad hinggil sa umano’y kakaibang kilos ng mga magulang ng sanggol matapos na madiskubreng nawala ang bata.

Batay sa report ng administrative officer na si Dr. Malaya Capulong, nadiskubreng nawawala ang sanggol dakong ala-1:30 ng hapon noong Biyernes­.

Sinasabing dinala umano ang bata ng isang nakaunipormeng nurse para timbangin. Nagtataka lamang sila kung bakit hindi inireport ng magulang ang pagkawala ng kanilang sanggol na tumagal ng 12 oras.                                                                

Giit naman ni OSMA director, Dr. Janet Tan na hindi man lamang kinakitaan ng pagkabahala o pag-panic ang   ina ng sanggol.

AYON

BATAY

BIYERNES

DR. JANET TAN

DR. MALAYA CAPULONG

GIIT

MAYNILA MEDICAL CENTER

MORENO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with