Vital installations sa Maynila, todo-bantay

MANILA, Philippines - Matapos ang pagkamatay ng international ter­rorist at Al Qaeda leader na si Osama Bin Laden, mas pinaigting pa ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) ang pagbabantay sa mga vital installations sa lungsod.

Ayon kay MPD Spokesman Chief Insp. Erwin Margarejo, 24 oras magpapatrol ang mga pulis sa mga vital installations kabilang na ang Mala­kanyang, US embassy, paligid ng Pandacan Oil depot at MRT at LRT stations.

Kaugnay nito, iniutos din ni MPD director Chief Supt. Roberto Rongavilla ang paglalagay ng mga checkpoints sa mga lugar na madalas ang krimen.

Pinayuhan naman ng pamunuan ng MRT at LRT ang mga commuters na unawain ang sistema ng pag-iinspeksiyon sa mga kargamento para na rin sa seguridad ng mga mananakay.

Show comments