47 wanted timbog

MANILA, Philippines - Umiskor ang mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) matapos masakote ang 47 wanted sa batas, illegal gamblers habang nakasamsam rin ng mga loose firearms sa loob ng isang linggong operasyon sa iba’t ibang lugar sa bansa, ayon sa opisyal kahapon. Ayon kay CIDG Director P/Chief Supt. Samuel Pagdilao Jr., nasa 16 wanted sa batas ang kanilang nasakote. Sinabi ni Pagdilao na ang operasyon ay nagsimula lamang nitong nakalipas na linggo hanggang sa kasalukuyan. Kabilang sa mga nasakote ay si Florinda Saunar, 57 anyos ng BF Resort Village ng Las Pinas City na bumagsak sa batas noong Abril 26 ng taong ito sa Buendia Avenue , Makati City na may standing warrant of arrest sa large scale illegal recruitment na ipinalabas ng RTC Branch 16 at Branch 42 sa Maynila. Samantala, bumagsak naman sa CIDG’s Task Force Maverick ang may 28 katao na sangkot sa illegal gambling sa magkakahiwalay na raid sa jueteng dens sa Metro Manila.

Show comments