^

Metro

Peñas nagtatago sa Dumaguete

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Nagtatago umano sa Dumaguete City si Rosel Jacosalem Peñas, ang bilas ng aktres na si Pilar Pilapil na itinuturing din na kasangkot sa   pagdukot at bigong pagpatay sa aktres. Sinabi ni NBI Director Magtanggol Gatdula na posibleng naroroon lamang umano sa Dumaguete City si Peñas, batay sa personal na impormasyong nakuha niya sa pagbisita sa nasabing lalawigan para imbestigahan ang kaso ni Pilapil. Ani Gatdula, si Peñas ay tubong Dumaguete at karamihan sa mga kaanak nito ay nasa nasabing probinsiya. Ang naturang impormasyon ay nasabi na rin umano niya kay   PNP chief, Director General Raul Bacalzo. Matatandaang si Pilapil ay sugatang iniwan sa isang madamong lugar sa   Piedra Blanca Subdivision, Brgy. San Luis, Antipolo City, Rizal noong Abril 14, 2011. Tinangay ng mga armadong kalalakihan ang sinasakyan niyang KIA at isinama ang kanyang kasama na ngayo’y suspect na si Peñas.

ABRIL

ANI GATDULA

ANTIPOLO CITY

DIRECTOR GENERAL RAUL BACALZO

DIRECTOR MAGTANGGOL GATDULA

DUMAGUETE CITY

PIEDRA BLANCA SUBDIVISION

PILAR PILAPIL

ROSEL JACOSALEM PE

SAN LUIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with