Gagamit ng nakaw na plakang 8, binalaan ng LTO
MANILA, Philippines - Binalaan ng Land Transportation Office (LTO) na sasampahan ng kasong kriminal ang sinumang indibidwal na mapapatunayang gagamit ng nakaw na plakang 8 sa kanilang sasakyan.
Ayon kay LTO-OIC Raquel Desiderio, dalawang piraso ng plakang 8 ang kasama sa ninakaw nang looban ng hindi pa kilalang mga suspek ang tanggapan ng Property Division ng ahensiya noong Abril 24.
Ang plakang 8 ay ang gamit ng mga Congressman kaya’t kung ito ay ikakabit sa sasakyan ng sinumang motorista na nakakuha nito ay madadagdagan pa ang kasong kakaharapin dahil sa ilegal na paggamit ng naturang protocol plates.
- Latest
- Trending