Pacquiao-Mosley fight libre sa Maynila
MANILA, Philippines - Tila tradisyon na sa lungsod ng Maynila ang pagbibigay ng libreng panonood ng boksing matapos na ihayag ng city government ang libreng pa nonood ng nalalapit na laban ng tinaguriang Pound-for-Pound King Manny Pacquiao kay Sugar Shane Mosley sa Mayo 8.
Ayon kay chief of staff at media bureau chief Ric de Guzman, inihahanda na nila ang anim na sports complexes sa lungsod upang mapagbigyan ang mga residente na saksihan ang labang Pacquiao-Mosley.
Ang Pacquiao-Mosley fight ay gaganapin sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada, kung saan si Charice Pempengco ang siyang aawit ng national anthem.
Kabilang sa mga sports centers ay ang Tondo Sports Complex District I; Patricia Sports Complex, District II, Rasac Covered Court, District III, Dapitan Sports Complex , District IV, San Andres Sports Complex, District V at Teresa Covered Court, District VI.
Nabatid kay de Guzman na magsisimula na silang magpamigay ng mga tiket ngayong Linggo kung saan ito ay first come first serve basis.
- Latest
- Trending