^

Metro

40 pamilya nasunugan

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Tinatayang 40 pamilya ang nawalan ng tirahan sa panibagong sunog na su­mik­lab sa isang compound sa Parañaque City kamaka­lawa ng gabi.

Sa ulat ng Parañaque Fire Department, dakong alas-10 ng gabi nang unang sumiklab ang apoy sa isang bahay sa Florenciana Compound, Quirino Ave., Brgy. San Dio­nisio, ng naturang lungsod.

Agad na kumalat ang apoy sa may 20 kabahayan na karamihan ay yari sa “light materials” na mabilis na nagdingas. Umabot sa Task Force Bravo ang alarma ng sunog at naapula lamang dakong alas-12:45 na ng madaling-araw.

Sinabi ng mga residente na nagsimula umano ang apoy sa sumiklab na kable ng Manila Electric Company sa isang poste na gumapang sa mga kabahayan.

 Wala namang iniulat na nasugatan o nasawi sa na­turang sunog na tumupok sa mahigit P1 milyong halaga ng mga ari-arian.

Lumikas naman ang mga apektadong residente sa kalapit na mga basketball court bilang pansamantalang “eva­cuation area” habang humihingi ng saklolo sa lokal at nasyunal na pamahalaan.

BRGY

FIRE DEPARTMENT

FLORENCIANA COMPOUND

LUMIKAS

MANILA ELECTRIC COMPANY

QUIRINO AVE

SAN DIO

SHY

TASK FORCE BRAVO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with