^

Metro

2 kompanya hinoldap sa Marikina

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Dalawang kompanya ang magkasunod na hinoldap ng mga armadong kalalakihan sa Brgy. Sta. Elena sa Marikina City, kamakalawa ng gabi at kahapon ng tanghali. Base sa rekord ng pulisya, unang pinasok at hinoldap ng anim na armadong suspek ang isang rent-a-car na matatagpuan sa Mount Champaca St., Brgy. Sta. Elena, Marikina City ganap na alas-8:30 ng gabi. Nabatid na habang nagpapasuweldo umano ang manager ng rent-a-car na si Lai Santos, 19, dalaga, ay pinasok umano sila ng mga suspek na armado ng mga baril saka sapilitang tinangay ang payroll money na tinatayang umaabot sa halagang P150,000. Bukod sa payroll money ay kinulimbat din umano ng mga suspek ang mga cellphone, laptop, relo, kuwintas at iba pang kagamitan ng mga empleyado saka mabilis na tumakas sakay ng isang kotse at dalawang motorsiklo. Dakong alas-12:15 naman ng tanghali nang maganap ang ikalawang insidente, kung saan ay pinasok at hinoldap naman ng tatlong armadong suspek ang Dream House Builder and Realty Inc. na matatagpuan sa #109 Gil Fernando Avenue sa nasabi ring barangay. Armado umano ang mga suspek ng kalibre .45 baril at Uzi nang magdeklara ng holdap sa kompanya na pag-aari umano ng isang Engineer Al Cayde. Hinalughog umano ng mga suspek ang tanggapan at tinangay ang hindi pa mabatid na halaga ng pera at kagamitan bago tuluyang tumakas sakay ng isang kulay puting SUV na may plakang WKP-628.   

ARMADO

BRGY

DREAM HOUSE BUILDER AND REALTY INC

ELENA

ENGINEER AL CAYDE

GIL FERNANDO AVENUE

LAI SANTOS

MARIKINA CITY

MOUNT CHAMPACA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with