^

Metro

Kelot natagpuang patay sa kotse

- , Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Isang 27-anyos na lalaki ang natagpuang patay at tadtad ng saksak sa katawan sa loob ng isang inabandonang sa­sakyan kahapon ng umaga sa Pateros. Kinilala ang biktimang si Francis Ian de Guzman, ng Block 8, Lot 20, Ilang-Ilang St., Brgy. Pembo, Makati City.

Base sa inisyal na pagsisiyasat, dakong alas-6:20 ng umaga­ nang matagpuan ng mga residente ang bangkay ni De Guzman sa loob ng isang Mitsubishi Lancer (UGZ-416), na kulay dark green sa kahabaan ng Raagas St., Brgy. Santa Ana, ng nabanggit na munisipalidad na tadtad ng saksak sa katawan.

Ayon sa pulisya ay intact naman ang mga personal na gamit ng biktima kung kaya’t patuloy pa nilang iniimbesti­gahan ang nasabing kaso at may ilang positibo na silang lead na nakalap hinggil dito. Gayunman, pansamantalang hindi muna ito binanggit habang isinasagawa pa ang follow-up operation.

AYON

BRGY

DE GUZMAN

FRANCIS IAN

GAYUNMAN

ILANG-ILANG ST.

MAKATI CITY

MITSUBISHI LANCER

RAAGAS ST.

SANTA ANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with