^

Metro

Traffic enforcer tiklo sa kotong

- Ni Ludy Bermudo -

Manila, Philippines - Dinakip ang isang miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) sa aktong tumatanggap ng P2,000 mula sa hinuling driver sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nadakip na si Nilo Quitirano, 42, ng Pan­dacan, Maynila dahil sa reklamo ng biktimang si Ariel Balce, 33, taxi driver.

Sa ulat, dakong alas-6:25 ng gabi nang isagawa ang entrapment operation laban kay Quitirano, sa Legarda St., Sampaloc Maynila.

Bago ang pagdakip, sinita umano ng suspect ang biktima dakong alas-2:45 ng hapon sa hinalang kolorum at improvised plate lamang ang gamit nito kaya ipinakita ng driver na may sapat siyang­ dokumento, gayunman ay pinigil pa rin ang taxi nito.

Inatasan umano ang biktima na tubusin na lamang ito sa halagang P2,000.

Umalis ang biktima at sa pagbalik nito ay ibinigay ang nasabing halaga sa suspect, na lingid sa kaalaman ng huli ay nakadulog na sa pulisya ang biktima na dumakma dito habang tinatanggap ang pera.

ARIEL BALCE

DINAKIP

INATASAN

KINILALA

LEGARDA ST.

MANILA TRAFFIC AND PARKING BUREAU

MAYNILA

NILO QUITIRANO

QUITIRANO

SAMPALOC MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with