^

Metro

Word war ni Robredo at Binay, patuloy

- Danilo Garcia -

Manila, Philippines - Tuloy pa rin ang palitan ng maaanghang na salita nina Makati Mayor Junjun Binay at DILG Secretary Jesse Robre­do kaugnay ng naging marahas na demolisyon sa mga istruktura sa nasunog na Laperal Compound sa Guadalupe Viejo nitong nakaraang Huwebes.

Unang nagkainitan sina Binay at Robredo kamakalawa ng hapon nang biglang dumating ang kalihim sa “demo­lition site” at kinausap ang alkalde. Hinihiling ni Robredo na magsagawa muna ng dayalogo sa mga lider ng Laperal Compound bago isagawa ang demolisyon sa kanilang mga tahanan. Ma­anghang na tumanggi naman dito si Binay at sinabing ilang dekada na silang nakikipag-usap sa mga residente ngunit walang nangyayari.

Matapos nito, binarikadahan na ngayon ng mga tauhan ng Makati City Police at National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang naturang lugar upang hindi na payagang makapasok sa compound ang mga residente matapos naman na payagang hakutin muna ang mga materyales ng nasira nilang mga bahay tulad ng bubong at iba pang mahahalagang gamit.

Umaabot sa 18 katao ang nasugatan sa ikalawang araw ng karahasan sa compound.

Kahapon, nagpatuloy sa sagutan sina Binay at Robredo sa mga programa sa radyo. Iginigiit pa rin ni Robredo na sana’y nagkaroon muna ng mahinahong dayalogo ngunit sinabi ito ni Binay na kailangang proteksyunan nila ang kanilang mga sarili sa mga residente na nanlalaban at naunang umaatake habang pinipilit nilang makipagdayalogo. Iginiit din nito na ginawa na lahat ng pamahalaan ang opsiyon katulad ng daya­logo at hindi dapat mistulang ipinipilit ng kalihim na hindi nila ito ginagawa.

BINAY

GUADALUPE VIEJO

HINIHILING

LAPERAL COMPOUND

MAKATI CITY POLICE

MAKATI MAYOR JUNJUN BINAY

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

ROBREDO

SECRETARY JESSE ROBRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with