^

Metro

'Pukpok' sa tuli, tiyaking malinis

- Doris Franche-Borja -

Manila, Philippines - Kasabay sa pagsapit ng tag-init, inaasahang maraming bata ang sasailalim sa tuli.

Dahil dito, pinaalalahanan ni Manila City Administrator Jesus Mari Marzan ang mga magulang na tiyaking malinis ang “pukpok” o ang traditional method sa pagpapatuli sa kanilang anak.

Ayon kay Marzan,   posibleng matetano ang kanilang mga anak kung marumi ang gagamiting kutsilyo o gamit sa pagtuli.

Aniya, marami pa rin ang mas naniniwala sa nakasanayan nang pamamaraan kung kaya’t hindi naman maaaring ipagbawal ang paggamit nito.

Gayunman, sinabi ni Marzan na may alternatibo namang paraan kung ayaw na sumailalim sa traditional method.

Ipinaliwanag ni Marzan na libre ang pagpapatuli sa lahat ng city run hospital   bukod pa sa mga health centers at mga mobile clinic.

ANIYA

AYON

DAHIL

GAYUNMAN

IPINALIWANAG

KASABAY

MANILA CITY ADMINISTRATOR JESUS MARI MARZAN

MARZAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with