^

Metro

Karahasan sumiklab sa nasunog na Laperal compound

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Sumiklab ang karaha­ san sa pagitan ng pulisya, tauhan ng pamahalaang lungsod ng Makati at pa­milya ng mga squatters nang pasukin ng demolition team ang nasunog na Laperal Compound sa Guadalupe Viejo, Makati City upang puwersahing paalisin na ang mga residente sa lugar na idinek­larang “danger zone”.

Dakong alas-4:20 ng hapon nang magpang-abot ang mga galit ng mga residente laban sa mga tauhan ng Makati City Police, Makati Public Safety Department (MAPSA), Makati Fire Department at inupahang demolition team.

Nabatid na pakay ng de­molition team na tulu­yang gibain na ang mga itinayong istruktura ng mga nasunugang residente matapos na ilabas ni Ma­kati Mayor Junjun Binay ang kautusan na huwag nang pabalikin ang mga pamilya ng iskuwater sa lugar makaraang ideklara itong “danger zone” dahil sa palagiang nasusunog ito.

Ito’y makaraang humingi rin ng tulong ang may-ari ng Laperal Compound na si Oliverio Laperal sa lokal na pamahalaan upang huwag nang mapabalik ang mga iskuwater para naman umano mapakinabangan na nila ang naturang lupain.

Nag-alok naman ang lokal na pamahalaan ng relokasyon sa mga residente sa Calauan, Laguna at San Jose del Monte, Bulacan at tulong pinansyal ngunit iilan lamang ang kumagat.              

Habang isinusulat ito, na­nawagan ang lokal na pamahalaan sa mga residente na huwag nang lumaban at tanggapin na lamang ang alok sa kanila para magkaroon ng sariling mga bahay sa relokasyon.)

GUADALUPE VIEJO

LAPERAL COMPOUND

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

MAKATI FIRE DEPARTMENT

MAKATI PUBLIC SAFETY DEPARTMENT

MAYOR JUNJUN BINAY

OLIVERIO LAPERAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with