^

Metro

Pedicab driver binoga sa mukha ng 'parak'

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang tama ng bala sa mukha ang agad na tumapos sa buhay ng isang pedicab drayber matapos barilin ng isang hinihinalang pulis nang magtalo ang dalawa dahil sa gitgitan sa kalye sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Duguang nakalugmok sa pinapasadang pedicab si Reynaldo Soriano, 35, ng Brgy. Salvacion, sa lungsod nang iwan siya ng nag-iisang salarin matapos ang krimen.

Lumilitaw sa pagsisiyasat na nangyari ang insidente sa harap ng isang gasoline station sa panulukan ng N. Roxas St. at Halcon St. Brgy. San Isidro Labrador ganap na alas-9 ng gabi.

Diumano, nagkabanggaan ang pedicab ng biktima at Toyota Vios (ZRB-103) ng suspect matapos na magkagitgitan sa naturang lugar.

Dahil dito ay nagkaroon ng mainitang komprontas­yon ang dalawa hanggang sa bumunot umano ng baril ang suspect at barilin ang biktima sa mukha, saka tumakas.

Patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya sa nasabing insidente upang matukoy kung pulis nga ang tumakas na suspect.

vuukle comment

BRGY

DAHIL

DIUMANO

DUGUANG

HALCON ST. BRGY

REYNALDO SORIANO

ROXAS ST.

SAN ISIDRO LABRADOR

TOYOTA VIOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with