^

Metro

Bagong silang na sanggol patay sa sakal

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang kasisilang pa lamang na sanggol na babae ang natagpuang patay na hinihinalang sinadyang patayin sa pamamagitan nang pagsakal at saka itinapon sa Brgy. Socorro sa lungsod Quezon kahapon ng umaga. Dakong alas-8 ng umaga ng ma­tagpuan ng isang magbabasura na si Allan Garcia ang patay na sanggol sa may 14th Avenue ng naturang barangay. Ayon sa ulat, ang sanggol ay nakasilid sa isang shoe box at nakabalot ng tela kung saan nasa tabi nito ang kanyang imbilical cord na nakasilid sa maliit na supot ng plastic at ang leeg ay napapaluputan ng kapirasong tela. Ayon pa sa mga awtoridad, sa itsura ng sanggol ay maaaring pinatay ito sa sakal dahil sa nakalawit pa ang dila nito at sa nakitang kapirasong tela sa kanyang leeg. Nanawagan naman ang mga awtoridad sa sinumang nakakita sa taong nagtapon sa biktima na agad na ipagbigay alam sa kanila para magawan agad ng kaukulang aksyon.

vuukle comment

ALLAN GARCIA

AYON

BRGY

DAKONG

ISANG

NANAWAGAN

QUEZON

SANGGOL

SOCORRO

TELA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with